Tuesday, November 08, 2005

KUNG 'DI RIN LANG...

Saan pa dadalhin
Uhaw kong puso't damdamin
Kung di rin lang makakamtan
Minimithi kong pag-ibig?


Minsan na akong nabigo,
Minsan nang nasaktan at pinagkaitan.
Sandaling nagkubli sa dilim ng nakaraan
Sandali rin ang lumipas bago natuto muling lumaban.


Aanhin pa ang buhay
Kung hindi man lang mapagbibigyan
Natatangi kong hiling na sana'y
Makita ka man lang muli kahit minsan?


Tila ba isang bangungot
Ang maranasang ika'y ipagdamot,
At ako'y napagbilinang ibaon na sa limot
Ang lahat ng alaala ng saglit mong pagsinta.


Kung di rin lang kita makikitang muli,
Sana'y hindi na hinayaang magkubli
Ang puso kong ikaw ang itinatangi,
Ang pag-ibig kong mananatiling sawi.

photo from http://oscarandre.files.wordpress.com/2008/01/alas_my_lost_love_by_countelmo.jpg

No comments: